Lunes, Mayo 16, 2011

TD Summer Training Module in Computer Education

        Ngayong araw na ito, pagkatapos ng aming TD Summer Class ay dumiretso kami sa MST Building upang dumalo sa TD Summer Training Module in Computer Education.

       Napakasaya ng pakiramdam pagpasok pa lamang dahil sa malamig na temperatura. Alam naman kasi nating lahat na napaka-init dahil sa tag-araw. Natuwa ako noong malaman kong gagawa lamang pala kami ng gmail at blog dahil ako ay napaka pamilyar na pagdating sa paggamit ng komputer. Hindi ko inaasahan na mahihirapan akong gumawa ng gmail. Kung ikaw ay gagawa ng blogger, kailangan mo munang gumawa ng gmail at may verification pa ito. Nagkataong kailangan ng cellphone upang maverify ang account. Hindi ko nadala ang aking cellphone ngayong araw kaya nahirapan ako sa pagreregesiter. Humiram nalamang ako ng telepono sa aking mga kaibigan at eto ako ngayon, nakakapaglathala na ng mga saloobin at pananaw. Ang pinakamasayng parte ay: may libreng miryenda! =))

      Sana sa mga susunod pang araw ay madagdagan pa ang aking mga kaalaman at nawa ay hindi na muli ako mahirapan sa paggawa ng blog at iba pa. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong ginawa ang araw na itong posible upang matuto ako at ang aking mga kamagaral. Kapayapaan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento