Bilang kabataan, lahat ay dumadaan sa estado ng buhay na tinatawag nga nilang "pagibig." Ano nga ba ang pagibig? Para sa akin, walang kahit anong salita o pangungusap ang maaring magsabi kung ano nga ba talaga ang pagibig. "Love is undefinable" ika nga.
Ngayong ako ay labing-apat na taon na, may kakaibang pakiramdam ang aking nararamdaman. Marahil, ako nga ay umiibig na. Minsan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa taong gusto ko. Hindi ko rin maiwasng maisip siya. Kahit hindi naman siya talaga gaanong gwapo, para sa akin, perpekto siya. Kahit na minsan ay nakakainis na, lagi kong napagtitiisan. Marahil nga, mahal ko na siya.
Pero paano kung "bawal na pagibig" ang nangayayri. Paano kung maraminig hadlang at mga kalituhan ang nasa isip mo? Paano kung ang sabi ng puso mo ay oo ngunit ang sabi ng isip mo ay hindi, mali ito? Sino ang susundin mo? Mahal na mahal mo ang taong ito, ngunit alam mong mali. Naguguluhan ka na.
Iyan ang gumugulo sa isip ko ngayon. Marahil, hindi pa nga ito ang tamang panahon upang sabihin ko ito sa iyo Mr. Niceguy (itago nalang natin siya sa pangalang iyan.) Ang aking puso at utak ay gulong-gulo. Sana maintindihan mo.
Love is hard to define because love is like a mystery. You still don't know what's gonna happen. You don't even know who is that lucky guy and you don't even know if he's the right guy. All we have to do is wait, though it's hard. Love is like a puzzle. Everything seems like there's a missing piece.
MR. NICEGUY. Don't go breakin' my heart. I love you.
Ako, Ako at Ako
Ang blog na ito ay impormal. Walang intensyon ang manunulat upang siraan ang sino man. Tanging sariling opinyon lamang na kailangan nating respetuhin. Patawad na lamang kungmay nga mali. AKO AY TAO. HINDI AKO PERPEKTO. :D
Martes, Mayo 17, 2011
Paano Nabago ng ICT ang Aking Pamumuhay?
Ang ICT o Information Communication Technology ay naging isang malakinig epekto ng pagbabago sa aking pamumuhay. Sa mga kabataan, ang komputer, iternet, PSP, iPad at maraming iba pa ay hindi mawawala, Para sa akin, hindi ko ata kaya mabuhay nang wala ang telebisyon, komputer, intenet at higit sa lahat ay ang aking cellphone.
Noon, ang mga estudyante ay nagaaral o nagsasaliksik gamit ang mga libro o ginagamit ang sarili nilang mga silid-aklatan sa kani-kanilang paaralan. Ngayon, lalo na rito sa Ateneo de Manila, sa summer class ay gamit na gamit ang mga blog, komputer, internet maging ang facebook. Dahil dito, masasabi ko na isang malaking impluwesnsya sa mga magaaral ang ICT. Karaniwang sa internet na lamang kumukuha ng mga inpormasyon. Sa bagay, mas mabilis ang paghahanap at mas madali pa gamitin at hanapin.
Sa pamamagitan ng ICT, nagkakaroon ng mga investors sa ating bansa. Nangangahulugan na ang mga walang trabaho ay maaaring magkaroon ng pagkakabuhayan dahil dito. Sa kabilang banda, dahil sa paglago ng teknolohiya, nababawasan ang mga emplyado dahil ipinapaubaya sa mga makina ang mga dati'y mano-manong ginagawa ng mga trabahador. Ang ITC ay makakatulong sa kabilang banda ay salot sa mga tao.
Nawa ang ITC ay makatulong sa ating lahat. Lagi lang natin tatandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Gamitin natin ang ITC sa tamang paraan. Huwag abusuhin, gamitin nang tama.

Lunes, Mayo 16, 2011
TD Summer Training Module in Computer Education
Ngayong araw na ito, pagkatapos ng aming TD Summer Class ay dumiretso kami sa MST Building upang dumalo sa TD Summer Training Module in Computer Education.
Napakasaya ng pakiramdam pagpasok pa lamang dahil sa malamig na temperatura. Alam naman kasi nating lahat na napaka-init dahil sa tag-araw. Natuwa ako noong malaman kong gagawa lamang pala kami ng gmail at blog dahil ako ay napaka pamilyar na pagdating sa paggamit ng komputer. Hindi ko inaasahan na mahihirapan akong gumawa ng gmail. Kung ikaw ay gagawa ng blogger, kailangan mo munang gumawa ng gmail at may verification pa ito. Nagkataong kailangan ng cellphone upang maverify ang account. Hindi ko nadala ang aking cellphone ngayong araw kaya nahirapan ako sa pagreregesiter. Humiram nalamang ako ng telepono sa aking mga kaibigan at eto ako ngayon, nakakapaglathala na ng mga saloobin at pananaw. Ang pinakamasayng parte ay: may libreng miryenda! =))
Sana sa mga susunod pang araw ay madagdagan pa ang aking mga kaalaman at nawa ay hindi na muli ako mahirapan sa paggawa ng blog at iba pa. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong ginawa ang araw na itong posible upang matuto ako at ang aking mga kamagaral. Kapayapaan!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)